For more than twenty-five years, Coach John's life has evolved around helping people, young and old, in finding their ways through life. He designed modules and trained speakers. He travelled extensively giving talks, seminars, retreats and personal life coaching. This blog speaks his mind, a product of his love for life.

Poor Migrant Workers - Filipino version

English version – click here.

John Bejo

Isa sa mga shockers ko ng pumunta ako ng Europa ay ng makasalubong ko ang isang matandang babae na mahigit ng 27 anyos sa Roma. Sya’y humihingi ng 5euro para sa pagkain nya.

Baguhan palang ako noon sa Roma, ang isip ko'y litong-lito. Nang tinanong ko si ate kung ano ang nangyari sa pera nya, sabi nya nandon daw lahat sa mga ‘tinutulongan’ nya. Ngayon, hindi sya makauwi dahil ang bahay nya ay tinitirhan ng mga anak nya at mga pamilya nito na hirap parin sa buhay. Wala narin syang pambili ng ticket. “Ang akala ko, tuloy tuloy lang trabaho ko. Tatlong amo ko na ang namatay, at ngayon wala akong halos matirahan.” Paiyak na kwento sa kin ni ate.

Marami na rin syang sinalihan na networking sa Italya, at sa ngayon, puro bote ng capsula ang pinakita at mahaba na listahan ng downline nya. Ang pangakong biglang yaman, wala. May pinakita rin syang mga resibo ng binayaran nyang condo, at hindi naman natapos dahil sa biglang pagkawala ng trabaho nito.

Nang umikot ako sa ibang parte ng Europa, katulad ng Belgium, Holland at France, halos pareho-pareho ang estorya: stressed sa unrealistic na demand ng pamilya sa Pinas, luhod sa trabaho, walang totoong investment para sa sarili. – Nagugulat nalang sila, palubog na pala ang araw para sa kanila.

Ng umuwi ako ng Pinas, katulad ng ibang OFW, wala akong dalang sako-sakong pera, pero may dala akong dalawang kayamanan na higit pa sa kayamanan na hindi kayang pantayan ng euro at pasta: Ang yaman ng katotohan sa likod ng magarbong posts sa FB ng mga OFW’s, at isa sa mga totoo at tapat na solusyon ng kahirapan, na isa-isa kong nang inilathala sa website na ito.

Related posts:
The Hanakyl Circle
Your Virtual Wealth Container
God’s Financial Managers

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...